"At kakatagpuin niya ang mga kalaro. Makikipaglaro siyang muli, hindi na ngayon tumbang preso, hindi harangang taga. Guguhit sila ng takdang hangganan sa lupa, sa mga hangganag iyon, itutundos ang panata ng pagkakaisa. Doon, walang maaring sumalakay, pagkat kanila ang lupa hanggang kailangan. Kanila ang lupa. At tulad ng mga kalaro, lalaya rin siya. Lalaya rin siya.”
Mula sa Ang Pinakahuling kuwento ni Huli ni Lilia Quindoza-Santiago
No comments:
Post a Comment