Tuesday, October 14, 2008

Baboy*

photo by Jonnabebeh


Baboy ang laman ng siopao, baboy din ang kalagayan ng manggagawa na gumagawa ng siopao. Mas baboy ang may-ari ng siopa-an na inaabuso ang mga manggagawa. At pinaka baboy ang pangulong nagpoprotekta sa mga baboy na nagsasamantala.


Dati, tuwing naririnig ko ang kowloon house, ang unang pumapasok sa utak ko ay ang masarap nilang siopao. Ngunit ngayon, gaano man kasarap ang mga pagkain doon, hindi ko na masikmura na bumili doon (bukod sa mahal naman talaga ang P47 na siopao). Kasukasukang isipin na walang pagpapahalaga ang mangement nila sa mga taong lumilikha ng kanilang masasarap na pagkain. Hindi ko maatim na kumain doon habang iniisip ang mga manggagawang walang maipakain sa kanilang pamilya dahil sila ay tinanggal sa trabaho. Kaya naman sa mga gabing pumupunta ako sa piket line ng mga manggagawa, hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong naatim pa rin kumain doon kahit ilang beses ng ipaliwanang sa kanila ang dinananas ng mga manggagawa.


Binababoy ang mga manggagawa

Noong nakaraang buwan, pinigilang pumasok ang 73 manggagawa ng Kowloon base na rin sa order ng management. Ang mga manggawang ito ay kasapi ng unyon sa Kowloon na matagal nang humihiling ng dagdag sa sahod at dagdag sa emergency cost of living allowance. Ito ay base na rin sa Wage Board Order 13 na napatupad noong Agosto 2007 na hanggang ngayon ay di pa rin ipinapatupad ng mangement ng Kowloon. May mga manggagawa na higit na sa 40 taong nagtatrabaho sa Kowloon pero P377 lamang ang tinatanggap sa bawat araw.


Baboy ang management

Hunyo ng taong ito ay nagsagawa ng pagkilos o piket ang mga manggawa para igiit ang dagdag pasahod sa mangement. At ito ay naging batayan ng mangement para patalsikin ang mga manggagawa kahit na ang piket ay dinaos noong breaktime nila. Sa kabila ng mga pahayag ng management na hindi nila kayang magtaas ng sahod ng manggagawa na matagal nang nagseserbisyo sa Kowlon dahil malulugi daw sila. Nakaya naman nitong mag dagdag ng sandamakmak na gwardya na pipigil sa mga nakapiket.

Sa mga serye ng mga dialogue na natakdaan para ihain o dinggin ang usapin ng mga mga manggagawa, laging hindi sumisipot ang mangement ng Kowloon. Imbes na humarap sa usapin at tugunan ang lehitimo panawagan, nag-iimebnto pa ito ng mga kung anu-anong dahilan para paalisin ang mga nagpipiket at sumusuporta sa mga manggagawa. Na kesyo, binabayaran lang daw ang mga kabataan na pumupunta doon at nandarahas daw kami ng mga kostumer.

Sa halip na tugunan ang panawagan at humarap sa mga manggagawa, gumgawa ito ng mga kung anu-anong istorya hinggil sa mga nakapiket para ilihis ang tunay na usapin.


Baboy ang nasa malakanyang

Ang interes ng mga manggawa sa Kowloon para sa pagpapataas ng sahod ay interes din ng iba’t ibang mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa kabila ng tumitinding krisis ng bansa, sa gitna ng mga nagtataasang bilihin, ang sahod ng mga manggagawa ay nakapako sa napakababang halaga. Walang substantiyal na umento sa sahod na natatangaap ang mga manggagawa sa ilalim ni Gloria Macapagal-Arroyo. Bukod doon, ang mga manggagawang mariing nagpapanawagan ng kanilang lehitimong karapatan ay nakakaranas ng pandarahas sa kumpanya at sa mismong pamahalaan.


Katayin ang baboy

Nito lamang, nagpahayag ang pamahalaan na walang dagdag umento sa sahod ngayon. Malinaw kung sino ang kinikililingan ng administrayong ito, at hindi ang mamamayan iyon. Wala tayong maasahan sa gubyernong ang tanging pakiaalam lamang ay kung paano lalamon ng limpak-limpak na salapi at kung paano patatabain ang kanyang bulsa.

Tulad ng mga manggagawa sa kowloon, kailangan nating umasa sa ating nagkakaisang lakas para yanigin ang baboy na administrasyong arroyo at magtagumpay sa ating mga lehitimong panawagan.

Iboykot ang Kowloon!
Suportahan ang welgang mga manggagawa para sa dagdag na sahod at laban sa ilegal na pagpapatalsik!






*salamat sa siopao band. hehe

5 comments:

Anonymous said...

hi! i saw ur comment on trinas blog regarding sa pagshorten ng posts. you nid to insatll the expanding posts hack. kaya lang diko maipakita dito. kaya i will recommend this blog:

http://respublicaetcetera.blogspot.com/2005/06/continue-reading-links-in-blogger.html

if you have questions pa. contact mu nlang ako:

http://llarenas.co.cc





cge po!

ipayness said...

okay. thanks

ron said...

halu halu! wala lang...

ipayness said...

hehe. hi ron. so, how are u? hehehe

adarna said...

hi ipay! link kita..:)